top of page
CvSU CARMona
Noong November 30 at December 1, 2017 ay nai-launch na po ang programang ARM: Accessing community, Rendering services and Maintaining relationships sa panguguna ni Prof. Cristina M. Signo, Campus Dean ng CvSU-Carmona. Ang mga faculty members at students nito ay nakibahagi rin sa pagsasagawa ng mga proyekto. Ito po ay lubos na sinoportahan ng ating mahal na punong bayan Dr. Dahlia A. Loyola, miyembro ng Sangguniang Bayan, Kgg. Redentor Rosas (Brgy. Captain) at ng mga barangay kagawad. Ang mga proyektong naisagawa ay ang Training on Homemade Donuts, Deployment of Bio-Waste Shredder Machine at Respiratory Illness Symptoms Assistant (RISA): An Android Application, Deployment of Business Permit Transaction System at Training on Basic Electronics. Ang Rotary Club of Carmona din po ay kabahagi po natin sa Barangay Entreprenyur Project sa pangunguna ni Great President Jessica Narce. Binisita din po tayo ni Prof. Maria Soledad M. Lising, ang Director ng Center for Extension Services of CvSU upang magbigay ng advise kung paano pa mas makakatulong ang mga programa sa ating komunidad. MARAMING SALAMAT PO!​
bottom of page